Higit 20,000 COVID-19 new recoveries, naitala

97

Umabot na sa 286,743 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa bansa.

Sa case bulletin na inilabas ng Department of Health (DOH) ngayong araw, 3,311 bagong kaso ng COVID-19 ang naitala kung saan pinakamarami ay mula sa NCR na nasa 1,435.

Nasa 20,021 bagong recoveries naman ang naitala ng DOH dahilan para umabot na sa 229,865 ang kabuuang bilang ng mga gumaling.

Habang umabot na 4,984 na ang bilang ng nasawi matapos madagdagan ng 55 ngayong araw.

Sa ngayon, nasa 51,894 ang total active cases sa bansa.

Samantala, umabot na sa 10,390 ang bilang ng mga Pilipinong tinamaan ng COVID-19 sa ibang bansa matapos na makapagtala ng apat na bagong kaso sa Asya.

Hindi naman nadagdagan ang bilang ng mga nasawi na nananatili sa 777 gayundin ang bilang ng mga gumaling na nasa 6,594.




Facebook Comments