Umaabot sa higit 20,000 micro-retailers at sari-sari store owners ang nabigyan ng financial assistance mula sa pamahalan.
Ito’y sa ilalim ng Sustainable Livelihood Program (SLP) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Ayon kay DSWD Secretary Rex Gatchalian, nagtapos na ang pamamahagi ng nasabing ayuda noing biyernes, October 20, 2023 kung saan nasa 26,266 micro-retailers at sari-sari store owners ang nagbenipisyo sa naturang programa.
Aniya, nasa P393.9 milyon na pondo ang inilaan sa naturang programa base na rin sa kautusan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Sinabi naman ni DSWD Asec. for Strategic Communications Romel Lopez, nasa 35,302 micro-rice retailers at sari-sari store owners ang target nilang beneficiaries base sa ipinasa ng Department of Trade and Industry (DTI).
Pero 8,873 sa kanila ang hindi kinuha ang ayuda habang 163 ang na-disqualify dah sa kulang ang ipinasang dokumento.
Kaugnay nito, naniniwala ang DSWD na unti-unti ng makakaahon ang mga maliliit na negosyante matapos ma-lift ang Executive Order No. 39 kung saan naging epektibo ang desisyon ni Pangulong Marcos dahil nagiging matatag na rin ang presyo ng bigas sa merkado.