Higit 20,000 na cyber attacks sa website ng Comelec, napigilan ng DICT

Napigilan at na-block ng Department of Communications and Technology (DICT) ang nasa mahigit 20,000 na tangkang pag-atake o cyber attacks sa website ng Commission on Elections (Comelec).

Ayon kay acting Spokesperson Atty. John Rex C. Laudiangco, natukoy rin ng DICT ang ilang Internet Protocol Address o IP ng mga nagtangka.

Dahil dito ay pinuri ng Comelec ang DICT sa kakayahang ipagtanggol ang website ng poll body laban sa naturang cyber-attacks.


Samantala, hindi naman sinabi ng DICT sa Comelec kung karamihan sa mga pinanggalingan ng mga pag-atake ay mula sa dayuhan o lokal.

Facebook Comments