Higit 20,000 pasahero, dumagsa sa mga pantalan ilang araw bago ang Undas

Umabot sa 24,971 ang naitalang bilang ng mga pasaherong bumiyahe sa mga pantalan sa buong bansa base sa monitoring ng Philippine Coast Guard.

 

Pinakamaraming bilang ng mga pasahero ay mula sa Central Visayas na nasa 6,502 na sinundan ng Western Visayas na may 4,207 habang 3,345 naman sa Southern Tagalog.

 

Ang nasabing datos ay nanggaling sa DOTr malasakit help desk oplan biyaheng ayos: #undas2019 kung saan nagsimula silang magmonitor alas-12:00 ng madaling araw hanggang alas-6:00 ng umaga.


 

Kaugnay nito, nag-ikot ang ilang tauhan ng PCG sa mga pantalan para magsagawa ng inspeksyon at masiguro ang sapat na seguridad.

 

Tuloy-tuloy din ang monitoring ng Coast Guard sa mga pantalan sa buong bansa at tinitiyak nila na nakahanda ang mga personnel at gamit na reresponde kapag may nangailangan ng tulong.

 

Pinapayuhan ang publiko na pumunta sa pantalan o terminal ng mas maaga bago ang kanilang biyahe at iwasan na magdala ng mga ipinagbabawal na bagay para hindi maantala.

Facebook Comments