Higit 20,000 pasahero, naitala ng PCG na bumiyahe sa mga pantalan sa buong bansa

Umaabot sa higit 20,000 pasahero ang naitala ng Philippine Coast Guard (PCG) na bumiyahe sa mga pantalan sa buong bansa mula alas-12:00 ng hatinggabi hanggang alas-6:00 ng umaga kanina.

Sa datos ng PCG, pumalo sa 22,315 ang bilang ng mga bumiyahe sa mga pantalan kasabay ng pagbabalik klase ngayong araw.

Sa nasabing bilang, 12,360 ang outbound passengers at nasa 9,955 ang inbound passengers.


Nagdagdag rin ng tauhan ang PCG king saan nasa 1,857 ang idineploy nila sa 15 distrito na kanilang nasasakupan

Sa datos pa ng PCG, sumailalim sa kanilang inspeksyon ang nasa 75 vessels at 36 motorbancas.

Sa kasalukuyan, patuloy na naka-monitor ang PCG sa lahat ng pantalan sa bansa lalo na’t inaasahan nila na ngayong araw hanggang bukas ay mas maraming pang pasahero ang uuwi ng kani-kanilang probinsiya at babalik ng Metro Manila.

Facebook Comments