Umaabot sa 21,651 na pasehero ang naitalang bumiyahe ng Philippine Coast Guard (PCG).
Mula ito sa iba’t-ibang pantalan sa buong bansa sa ilalim ng Oplan Biyaheng Ayos: Undas 2022.
Sa datos ng PCG, nasa 12,771 ang bilang ng outbound passengers habang nasa 8,880 ang inbound passengers.
Nagpakalat rin ang PCG ng 2,331 na personnel kung saan sumailalim sa kanilang inspeksyon ang 113 na vessels at 89 na motorbanca.
Bukod sa pagbabantay at pagsisiguro sa kaligtasan ng mga pantalan, pasahero at karagatan. Sinisiguro rin ng PCG na naipapatupad nila ang implementasyon ng health protocols kontra COVID-19.
Matatandaan na naka-alerto ang coast guard hanggang ngayong araw ng Biyernes para mamonitor at mabantayan ang mga magsisibalikan o uuwi sa kani-kanilang lungsod o lalawigan matapos magbakasyon nitong panahon ng Undas.