Higit 20,000 rebelde, nagbalik-loob na sa gobyerno

Malaki na ang naging paghina ng pwersa ng mga rebeldeng grupo sa ilalim ng administrasyong Duterte.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na base sa pulong nila ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC), nasa 24,000 na ang mga nagbalik-loob sa pamahalaan.

Kabilang na aniya rito ang mga armadong grupo na nagbaba ng kanilang armas at maging ang mga rebelde na kabilang sa masa.


Aniya, mula sa 81 guerrilla fronts, nasa 47 na ang na-dismantle ng pamahalalan.

Sinabi pa ng kalihim na hindi naman pinababayaan ng gobyerno ang mga sumukong rebelde dahil mula sa pabahay ay binibigyan din ng hanapbuhay ang mga ito.

Pinagkakalooban rin sila ng iba pang benepisyo, tulad ng medical at edukasyon para sa kanilang mga anak.

Facebook Comments