Higit 20,000 recoveries sa COVID-19, naitala ngayong araw; Kabuuang kaso ng sakit sa bansa, umakyat na sa higit 261,000

139

Panibagong 20,472 recoveries sa COVID-19 ang naitala ng Department of Health (DOH) ngayong araw, dahilan kaya sumampa na sa 207,568 ang bilang ng mga gumaling sa sakit.

Nakapagtala rin ng 3,372 panibagong kaso ng sakit sa Pilipinas, kaya umakyat na ang kabuuang bilang ng kaso sa 261,216.

Sa nasabing bilang, 49,277 ang aktibong kaso, kung saan 87.6% dito ay mild, 8.8% ang asymptomatic, 1.4% ang severe at 2.2% ang nasa kritikal na kondisyon.

Pinakamarami sa mga ito ay naitala sa National Capital Region (NCR) na nasa 1,307; sinundan ng Cavite, 240; Laguna, 207; Negros Occidental, 199 at Bulacan, 145.

Kasabay nito, umakyat na sa 4,371 ang nasawi sa sakit matapos madagdagan ng 79 ngayong araw.

Samantala, walang Pinoy na nadagdag sa bilang ng mga Pilipino sa abroad na nagpositibo sa COVID-19.

Dahil dito, nananatili pa rin sa 10,181 ang mga Pilipinong nagpositibo sa sakit sa abroad.




Nadagdagan naman ng dalawa ang bilang ng mga gumaling na sumampa na ngayon sa 6,433 at 2,980 ang nagpapagaling.

Facebook Comments