Higit 200,000 health workers, posibleng mabakunahan sa loob ng 2 linggo

43

Target ng pamahalaan na mabakunahan ang higit 200,000 healthcare workers sa bansa sa loob lamang ng dalawang linggo.

Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles, sa ngayon ay nasa 222,783 healthcare workers ang nakalista sa kanilang masterlist.


Aniya, posibleng mas mapabilis pa ito dahil nakarating na sa Pilipinas ang mga bakuna mula kompanyang Sinovac at AstraZeneca.

Sa ngayon, nasa 4,128 na ang bilang ng mga Pilipinong naturukan ng bakuna kontra COVID-19.

Facebook Comments