Higit 200,000 indibidwal target mabakunahan sa BARMM sa ikakasang special vaccination days

Kasunod nang ikakasang Special Vaccination days sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) sa Mayo.

Sinabi ni BARMM Minister for Interior & Local Government Atty. Naguib Sinarimbo na target nilang mabakunahan ang nasa 1.4M nating mga kababayan mula sa 5 probinsya at 3 syudad sa rehiyon.

Pero ang kinomit aniya ng mga lgus na kayang bakunahan sa malawakang bakunahan sa BARMM ay nasa 215, 776 na mga indibidwal.


Ayon kay Atty. Sinarimbo itinakda ang bakunahan sa Maguindanao, Lanao del Sur at Marawi sa May 5 – 7 habang sa Basilan ay sa darating na May 11 – 13 at sa Tawi tawi ay mula May 16-30, 2022.

Paliwanag nito mataas ang vaccine hesitansy sa rehiyon dahil una mahirap ma-access ang mga vaccination sites lalo na yung mga nakatira sa liblib na lugar at ikalawa ay dahil sa mababa na ang kaso sa rehiyon kung kaya’t hindi na nakikita ng mga kapatid nating Muslim ang pangangailangan na magpabakuna.

Pero nangako aniya ang mga lgus na sa isasagawang Special vaccination days ay maaabot ang target ng pamahalaan na mabakunahan sa BARMM.

Aniya, maging sa mga Mosque ay maglalagay ng mga vaccination sites upang ma engganyo ang mga kapatid nating Muslim na magpabakuna kontra COVID-19.

Facebook Comments