Umaabot na sa higit 247,000 na pamiyla ang nabigyan na ng mga food boxes mula sa Lokal na pamahalaan ng Maynila.
Ito’y bilang bahagi ng COVID-19 Food Security Program (FSP) para sa buwan ng Hulyo.
Nagawa ito ng Manila LGU sa loob lamang ng apat na araw kung saan tatlong distrito na agad ang nakinabang sa nasabing food boxes.
Nasa 136 na barangay mula sa District 1 at 122 naman sa District 2.
Nasa 23 barangay naman sa District 3 ang nabigyan na rin ng mga food boxes kung saan ipagpapatuloy ng mga tauhan ng lokal na pamahalaan ang pamamahagi sa nasabing distrito ngayong araw.
Muling paalala ng Manila LGU sa mga opisyal ng barangay na agad na ipamahagi sa mga residente ang mga food boxes upang mapakinabang na nila ito sa gitna na rin ng nararanasang COVID-19 pandemic.