Umaabot sa higit 200,000 pasahero sa iba’t-ibang pantalan sa bansa ang naitala ng Philippine Coast Guard sa ilalim ng Oplan Balik Eskwela 2022 ng Department of Transportation (DOTr).
Sa datos ng PCG, nasa 135,252 ang kabuuang bilang ng mga outbound passengers mula ng simulan ang Oplan Balik Eskwela 2022 nitong nakaraang linggo.
Pumalo na rin sa 125,883 ang inbound passengers kung saan inaasahan ng PCG na mas darami pa ito simula ngayong araw ng biyernes hanggang sa Linggo, August 21.
Umaabot na rin sa 1,280 na vessels at 1,699 ang sumalang sa inspeksyon ng Coast Guard sa lahat ng pantalan sa bansa.
Nasa 12,598 ang kabuuang bilang ng mga personnel ang nai-deploy sa 15 distrito ng PCG.
Sa kasalukuyan, handang-handa na ang Coast Guard sa muling pagbabalik paaralan ng mga estudyante kasabay ng pagiging heightened alert ng lahat ng kanilang districts, stations, and sub-stations na magtatagal hanggang August 29, 2022.