Naging matagumpay ang unang araw ng month-long free rides sa MRT-3.
Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni MRT-3 Director for Operations Engr. Michael Capati na bagama’t dinagsa ito ng mga mananakay ay naging maayos naman sa pangkalahatan ang libreng sakay.
Ani Capati, umaabot sa 281,507 na mga pasahero ang sumakay sa unang araw ng implementasyon nito kahapon, March 28.
Inaasahan aniyang tataas pa sa 300,000 hanggang sa 400,000 na mga pasahero ang tatangkilik sa libreng sakay sa kada araw.
Kasunod nito, tiniyak ni Capati ang kahandaan ng pasilidad ng MRT at hindi na rin aniya makararanas ng aberya ang mga tren dahil natapos na ang rehabilitasyon dito.
Ang libreng sakay sa MRT ay tataggal hanggang April 30 sa layuning matulungan ang ating mga kababayan dahil na rin sa kaliwa’t kanang pagtaas ng mga pangunahing bilihin.