Higit 200,000 Pilipino, natulungang makauwi sa bansa sa gitna ng pandemya – Lorenzana 

COURTESY: DFA

Umabot na sa higit 200,000 Filipino migrant workers ang na-repatriate mula nang magsimula ang COVID-19 pandemic. 

Sa pulong ng Inter-Agency Task Force (IATF), sinabi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na nasa 200,223 OFWs ang nakauwi sa kanilang hometowns habang nasa 80,000 pa ang inaasahang darating sa bansa. 

Dagdag pa ni Lorenzana, ang mga labi ng mga OFW sa Saudi Arabia na naiuwi sa bansa ay umabot na sa 261 kung saan 164 ang kumpirmado sa COVID-19 habang 97 ang namatay sa ibang dahilan. 


Nasa 1,570 Filipinos ang nakauwi na rin sa bansa mula sa Sabah at 400 ang inaasahang darating bukas. 

Facebook Comments