Higit 200,000 private school students, lumipat sa public – DepEd

Umabot sa higit 200,000 estudyante mula sa pribadong paaralan ang lumipat sa pampublikong paaralan dahil sa epekto ng COVID-19 pandemic.

Sa datos ng Department of Education (DepEd), nasa 233,169 ang private school students na nag-enroll sa public school.

Paliwanag ni Education Secretary Leonor Briones, isa sa mga dahilan nito ay maraming magulang ang nawalan ng trabaho lalo na at maraming negosyo ang nahinto ang operasyon dahil sa pandemya.


Hindi na nila ikinabigla ang maraming estudyanteng lumilipat sa public schools.

Sinabi naman ni Education Undersecretary Jesus Mateo na aabot pa lamang sa 18,871,245 students ang nag-enroll para sa School Year 2020-2021, at nasa siyam na milyong mag-aaral pa ang hindi nakakapag-enroll.

Ang mga rehiyon na may pinakamababang enrollees ay Cordillera Administrative Region, sinundan ito ng Caraga Region, Bangsamoro Autonomous Region and Muslim Mindanao (BARMM).

Ang CALABARZON naman ang may pinakamataas na bilang ng enrollees kasunod ang Central Luzon at National Capital Region (NCR).

Facebook Comments