Higit 200,000 reklamo, natanggap ng ERC dahil sa kaduda-dudang electricity bills

Umakyat sa 250,000 complaints ang natanggap ng Energy Regulatory Commission (ERC) dahil sa paglobo ng bayarin sa kuryente.

Ayon kay ERC Spokesperson Rexie Baldo-Digal, humingi na sila ng tulong sa consumer affairs division para magkaroon ng dagdag na tao sa pagtugon sa mga reklamo.

Dagdag pa ni Digal, hiningi na rin nila ang tulong ng Commission on Audit para i-audit ang mga nakaraang refund ng Meralco na aabot sa higit 50 bilyong piso.


Nais ng ERC na magkaroon ng batas para maibalik sa benepisyo ng konsyumer ang mga “unclaimed refund” na aabot din sa mahigit ₱2 billion.

Sinabi ni Meralco Spokesperson Joe Zaldarriaga na nasa 4.1 million customers na nakatanggap ng nakakalitong bill nitong Mayo ang sinulatan nila.

Hindi sigurado si Zaldarriaga kung ilan sa mga ito ay “eligible” o maaaring mag-refund.

Umaasa ang Department of Energy na tutuparin ng Meralco ang ipinangako nilang aksyon hinggil sa kwestyunableng electricity bills.

Facebook Comments