Kinakailangan nang maglabas ng desisyon ang gobyerno ng South Korea hinggil sa petisyon na ipagbawal sa bansa ang mga life-size sex dolls.
Sa ulat ng Korea Times, Miyerkules, umabot na sa 210,000 katao ang pumirma ng petisyon sa website ng gobyerno na nanawagang ipagbawal ang pag-iimport sa kanilang bansa ng life-size sex dolls.
Sinimulan ang petisyon na “Ban imports and sales of RealDolls” noong Hulyo 8, kasunod ng pag sang-ayon ng Supreme Court sa pag-iimport ng naturang sex toy na mula sa kompanyang RealDoll sa US.
Sa petisyon, ipinaliwanag na hindi ito ordinaryong sex toy at maaaring magdulot ng kasiraan ng isang babae.
“A life-size sex doll resembles a woman’s body in every detail. It can even be customized to fit an individual’s needs for hairstyle, facial structure, birthmarks or anything.
“Nowadays, deepfake celebrity porn videos can easily be found online. There’s no guarantee that sex dolls won’t be used for such purposes. People may be shocked to find sex dolls that look just like them. If that happens, who will take responsibility for the damage?” saad ng petitioner.
Binanggit din sa petisyon na maaari itong humantong sa pagtaas ng krimen.
“We have witnessed sex crimes being committed by people who were not satisfied with pornography. There is a possibility that people who find the immobile dolls insufficient will commit sex crimes,” ayon sa petisyon.
Samantalang noong 2017, hinarang ng Korea Customs Service sa Incheon ang import ng live-size sex dolls dahil papapangitin daw nito ang moral ng publiko.