Higit 200,000 trabaho, alok sa simultaneous nationwide job and business fair

Aabot sa higit 200,000 multi-skill job vacancies para sa local at overseas employment ang naghihintay sa mga naghahanap ng trabaho sa darating na simultaneous nationwide job and business fair sa Labor Day (May 1).

Hinihikayat ni Labor Secretary Silvestre Bello III ang jobseekers na huwag sayangin ang pagkakataon at mag-apply sa 31 trabaho, negosyo, kabuhayan job and business fair.

Base sa Bureau of Local Employment (BLE) na ang mga nangungunang oportunidad sa bansa ay customer service representatives, production machine operators, carpenters, security guards, call center agents, microfinance officers at factory workers.


Para naman sa overseas deployment, ang mga nangungunang job openings ay nurses, factory workers, cleaners, technicians, bakers, nursing aides, food servers, auto repair personnel, service crew at bartenders.

Karamihan sa mga job vacancy ay sa New Zealand, Saudi Arabia, Germany, Taiwan, Bahrain, United Arab Emirates, Poland at Australia.

Pinapayuhan ng DOLE ang mga aplikante na magdala ng mga sumusunod na requirements:

  • Resume
  • 2×2 ID photo
  • Photocopy ng mga training certificates
  • PRC license
  • Certificate of Employment
  • Diploma
Facebook Comments