Mula sa 2,156,306 kabuuang bilang ng mga rehistradong botante sa lalawigan, 86.76% o 1,870,727 na mga botante ang bumoto sa National and Local Elections.
Nauna nang nagbigay paalala ang Commision on Elections sa mga botanteng dalawang beses na hindi nakapagboto ay awtomatikong matatanggal sa pagiging rehistradong botante.
Mainam rin na gamitin ang boto at laging makibahagi sa bawat magaganap na halalan upang hindi na maabala pa sa oras na maalis ang pangalan sa pagiging rehistradong botante dahil lamang ilang beses hindi nakapagboto.
Sa susunod na pagbubukas ng Voter’s registration ng tanggapan ay inaasahang madadagdagan pa ang bilang ng mga botante sa lalawigan at hinihikayat ang bawat isa na magparehistro upang makaboto na siyang karapatan ng bawat Pangasinense. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









