HIGIT 200K NA BATA SA ILOCOS REGION, NABAKUNAHAN NA PARA SA HALOS DALAWANG LINGGONG KAMPANYA NG DOH

Lagpas dalawang linggo na nang mailunsad ang kampanya ng Kagawaran ng Kalusugan na Chikiting Ligtas kontra sa mga sakit na measles, rubella at polio ay nakapagtala na ang ahensya ng mahigit dalawan-daang mga bata ang nabakunahan na sa Rehiyon Uno.
Base sa pinakahuling datos ng DOH Ilocos sa kanilang Bulletin No. 4 nasa kabuuang 226,075 o 54% accomplishment ang nabigyan na ng proteksyon laban sa mga sakit na nabanggit kung saan target ng kagawaran na mabigyan ang kabuuang 416,762 na bata sa rehiyon.
Nagpaabot ng pasasalamat si DOH Ilocos Regional Director Paula Paz Sydiongco sa lahat ng local government units (LGUs) sa kanilang patuloy na pagsisikap na hanapin ang bawat karapat-dapat na bata sa mga komunidad.

Aniya pa, mayroon pang dalawang linggo upang matugunan o kahit na lumampas sa aming target at hayaan na gawin ang makakaya ng ahensya upang mabakunahan ang lahat ng 0-59 na buwang gulang at walang maiiwan na bata.
Nanawagan si Sydiongco sa lahat ng mga magulang at tagapag-alaga ng mga batang 0-59 buwang gulang na dalhin sila sa mga vaccination centers para sa pagbabakuna.
Patuloy din aniya ang house-to-house para sa mga hindi makapunta sa mga health centers.
Ipinaalala niya rin na libre, ligtas at siguradong panlaban sa sakit ang bakuna sa mga naturang sakit.
Matatandaan na nag-alok ang DOH Ilocos ng mobilization funds at financial incentives sa mga LGU sa rehiyon para matugunan ang kanilang mga target sa pagbabakuna.
Ang mobilization fund ay tutulong sa mga LGU sa mga prosesong pinansyal at dagdagan ang mga alokasyon para sa patuloy na kampanya ng programa. |ifmnews
Facebook Comments