Umabot na sa higit dalawan-daang libong piraso ng printable version ng Philsys ID sa Ilocos Region ang naipamahagi sa mga residente.
Base sa pinakahuling datos ng Philippine Statistics Authority (PSA) nito lamang ika-5 ng Pebrero ay nasa kabuuang 200, 344 ang naipamahagi kung saan ayon kay PSA Ilocos information officer Jim Ian Bautista, 94, 914 ang naibigay sa lalawigan ng Pangasinan, 63, 198 naman sa Ilocos Norte, 29, 925 sa Ilocos Sur at 12, 307 sa La Union.
Sa isang pahayag na inilabas ng PSA na ito ay dahil sa pinagsama-samang pagsisikap ng mga katuwang ng ahensya maging ang proseso ng pag-claim sa mga registration center, plaza-type at house-to-house distribution.
Ayon naman sa ahensya, unti-unti na ring inilunsad ang isang website kung saan maaaring mai-download ang isang portable document format o (PDF) na kopya ng ePhilID, na nagbibigay sa mga rehistradong indibidwal ng kaginhawahan ng isang ID na maaaring maitago sa mobile devices.
Sabi pa ni Bautista, Ang ePhilID ay kagaya nito ang pisikal na card, kung saan wala itong expiration at dapat na kilalanin at tanggapin sa lahat ng transaksyon na nangangailangan ng patunay ng pagkakakilanlan at edad na naaayon sa authentication.
Matatandaang ang batas na ito ay inaprubahan ni dating President Rodrigo Duterte noong August 2018, Republic Act 11055 o ang Philippine Identification System Act, na may layuning makabuo ng iisang ID o tinatawag na national para sa mga Pilipinong residente ng bansa. |ifmnews
Facebook Comments