HIGIT 201,000 NA ESTUDYANTE NA ANG REHISTRADO SA ILOCOS REGION PARA SA S.Y. 2021-2022

18

Ayon kay Darius Nieto, ang Project Development Officer Iv ng Department Of Education Region 1, nasa 201,256 learners sa Ilocos Region mula sa kindergarten, grade 1, 7, at 11 ang maagang nag-enrol na para sa bagong school year.

Sa nasabing bilang 42,816 dito ang mula sa kindergarten, 66,682 sa grade 1, sa grade 7 ay mayroong 146,065 at sa grade 11 naman ay 45,693 na learners.


Aniya, extended ang early registration hanggang sa ika-31 ng mayo ngayong taon upang makahabol pa ang mga estudyante sa susunod na school year.

Samantala, kung sakali mang payagan ang face-to-face classes dito ay handa ang mga paaralan sa rehiyon.

Facebook Comments