Mahigit 20,000 oportunidad sa trabaho ang naitala ng Public Employment Service Office (PESO) ng Urbiztondo noong 2025, ayon sa ulat na inilahad sa unang flag raising ceremony ng LGU Urbiztondo para sa taong 2026.
Ayon sa PESO, umabot sa 20,427 job vacancies ang nakalap mula sa tatlong quarter job fair noong nakaraang taon, kabilang ang local at overseas employment.
Bukod dito, 827 lokal na trabaho ang direktang naibigay sa pamamagitan ng job posting at job solicitation activities ng tanggapan.
Iniulat din na may kabuuang 1,118 kliyente ang natulungan ng PESO mula Enero hanggang Disyembre 2025.
Kabilang dito ang mga naghahanap ng trabaho, employer, establisyemento, negosyante, OFWs, at mga aplikanteng nagnanais sumailalim sa pagsasanay at employment processing sa loob ng bayan.
Patuloy namang hinihikayat ng pamahalaang bayan ang mga residente na samantalahin ang mga programang pangkabuhayan na inihahandog ng LGU at ng mga kaakibat nitong ahensya.










