Aabot na sa 22.69 milyon na estudyante sa bansa ang naka-enroll na para sa nalalapit na School Year 2020-2021 na magsisimula sa August 24.
Ayon kay Education Undersecretary Tonisito Umali, mula sa nasabing bilang ay nasa 21.18 milyon na estudyante ang nagparehistro sa public schools.
Nasa 1.47 milyon na mag-aaral naman ang naka-enroll sa mga pribadong paaralan.
Sinabi ni Umali na ang datos ng mga mag-aaral sa private schools ay maaaring mataas dahil may ilang eskwelahan pa ang hindi nakapagsusumite ng kanilang records sa Department of Education (DepEd).
Una nang sinabi ng DepEd na naghahanda na sila sa pagpapatupad ng blended learning at walang face-to-face classes habang hindi pa available ang COVID-19 vaccine, alinsunod sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte.