Higit 22,000 low-income families ang nakatanggap ng emergency subsidy sa ilalim ng Republic Act 114940 o Bayanihan to Recover as One Act
Ayon kay Department of Social Welfare and Development (DSWD) Spokesperson Irene Dumlao, nasa 22,214 families ang nakinabang na sa Emergency Subsidy Program ng Bayanihan 2.
Aabot sa ₱154.1 million na halaga ng ayuda ang naipaabot na sa mga benepisyaryo.
Mula sa nasabing bilang, 3,092 family-beneficiaries ay mula sa mga lugar na nasa ilalim ng granular lockdown, at 19,122 low-income households ay ‘additional beneficiaries’ o mga hindi nakatanggap ng Social Amelioration Program (SAP) sa ilalim ng Bayanihan 1.
Facebook Comments