Inaasahan ang patuloy na pagdami ng bakuna sa bansa kasunod nang mithiin ng pamahalaan na makamit ang population protection bago matapos ang taon.
Kasunod nito, inanunsyo ni Presidential Spokesperson Sec. Harry Roque na nasa 22,726,060 COVID-19 vaccines ang darating sa bansa ngayon lamang buwan ng Agosto.
Kahapon, una nang dumating ang nasa 415,000 doses ng AstraZeneca na donasyon ng UK government.
Mamaya naman inaasahang darating ang 3M Moderna vaccines na donasyon ng gobyerno ng Amerika kung saan personal pa itong sasalubungin ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ngayong 1st week din ng Agosto darating ang mga binili ng bansa na 1M sinovac vaccines.
Habang sa Aug. 9 darating sa bansa ang 813,150 doses ng Pfizer, sa pagitan din ng Aug 9-16 darating ang 1,170,000 doses ng AstraZeneca.
Sa Aug. 10 naman darating ang 1M doses ng Sinopharm na donasyon ng China.
2nd hanggang 4th week ng Aug. darating ang mga biniling Sinovac vaccines na nasa 7.4M doses.
Bago matapos ang buwan ng Agosto, darating ang 727,850 doses ng Pfizer, 2.6M doses ng Moderna, 3M bakuna mula sa COVAX facility at 1.6M doses ng Sinovac vaccine.