HIGIT 2,300 NA CVO’s SA IKATLONG DISTRITO NG PANGASINAN, NABAHAGIAN NG AYUDA MULA SA PAMAHALAANG PANLALAWIGAN

Tuloy-tuloy pa rin sa pamamahagi ng munting tulong pinansyal ang pamahalaang panlalawigan ng Pangasinan sa mga barangay CVO’s o mga Civilian Volunteers Organization sa ikatlong distrito ng lalawigan.

Matagumpay na natanggap ng higit 2, 300 na mga CVO’s sa Lungsod ng San Carlos at bayan ng Mapandan kung saan ginanap ang naturang pay-out sa St. Vincent Ferrer Prayer Park at Mapandan Central School.

Sa naturang pay-out, binigyang pugay at kinilala ng gobernador ng Pangasinan ang kanilang mga serbisyo bilang katuwang sa pagpapanatili ng katahimikan at kaayusan sa kani-kanilang lugar.

Ayon sa gobernador, maliit man umano ang tulong na ito ngunit ang mahalaga umano ay hindi nalilimutan ng Kapitolyo ang kanilang mga sakripisyo at serbisyo bilang katuwang noong kasagsagan ng pandemic bilang mga frontliners.

Nagpapasalamat naman ang mga benepisyaryo dahil kahit papaano umano ay mayroon silang natanggap na munting halaga pambili ng kanilang mga kailangan sa kanilang pamumuhay. |ifmnews

Facebook Comments