Higit 23,000 OFWs, nakauwi na – DOLE

Umabot na sa higit 23,000 Overseas Filipino Workers (OFWs) ang nakauwi sa kanilang home provinces.

Sa statement, sinabi ng Department of Labor and Employment (DOLE) na nasa 23,472 OFWs ang ligtas na nakauwi at nakasama na ang kanilang pamilya.

Sa ngayon, ang clearances ng nasa 538 na manggagawa ang hinihintay pa.


Ang mga napauwing OFWs ay binigyan ng clearances matapos sumailalim sa COVID-19 test.

Humingi na ng paumanhin si Labor Secretary Silvestre Bello III sa mga OFWs at sinabing hindi intensyon ng pamahalaan na pahabain ang kanilang pananatili sa quarantine facilities at i-antala ang paglalabas ng kanilang test results.

Matatandaang ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa DOLE at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na pauwiin na ang mga stranded OFWs sa loob ng isang linggo.

Facebook Comments