Higit 230,000 quarantine violators, naitala mula nitong Marso

Umabot na sa higit 230,000 katao ang hinuli dahil sa paglabag sa quarantine restrictions.

Ito ang naitala ng Joint Task Force COVID Shield mula March 17 hanggang July 19.

Ayon kay JTF COVID Shield Commander Police Lieutenant General Guillermo Eleazar, mula sa nasabing bilang, 72,000 ang inaresto at nasa 18,000 ang ikinulong.


Karamihan aniya ay binigyan lamang ng babala.

Nasa 41,605 ang pinagmulta at nasa 3,059 ang nanatiling nakadetine.

Karamihan sa mga paglabag ay hindi pagsusuot ng face mask, kawalan ng authorization na lumabas ng kanilang bahay at hindi pagsunod sa physical distancing.

Facebook Comments