Pumalo na sa 23,768,191 o 30.81% ng kabuuang target population sa bansa ang nabigyan na ng 2nd dose o yung mga Filipino na fully vaccinated as of Oct.13, 2021.
Sa datos na iprinisenta ni Presidential Sec. Harry Roque mula sa National COVID-19 vaccination dashboard 27,197,923 naman ang nakatanggap na ng 1st dose ng bakuna o 35.26%
Ito ay mula sa 50,966,114 kabuuang doses ng mga bakuna na naiturok na.
Samantala, umaabot sa 490,159 ang average daily jabs ang naitatala.
Sa Metro Manila naman 8,976,489 o 91.92% ng kabuuang target population ang nakatanggap na ng 1st dose habang nasa 7,718,283 o 78.95% ang mga fully vaccinated mula sa 16,694,772 doses ng bakuna na na-administer kung saan umaabot sa 82,790 ang average daily jabs ang naitatala sa kalakhang Maynila.