Ayon sa report ng Police Office Cordillera, naaresto ang mga suspek na kinilalang sina Raechelle Kitongan Canao, 29; Augusto Binuloc Gunnawa, 38; at Arnel Langao Wadwad, 26.
Una rito, nakatanggap ng impormasyon ang mga kasapi ng 2nd Kalinga Provincial Mobile Force Company (PMFC) na may isang grupo ang tangkang magbibiyahe ng marijuana mula sa Tinglayan patungong Tabuk City.
Dahil dito, agad na nagsagawa ng operasyon ang mga awtoridad sa Sitio Dinakan, Brgy. Dangoy, Lubuagan, Kalinga na nagresulta ng pagkumpiska sa 204 marijuana bricks ng hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana na tumitimbang ng 204 grams na may Standard drug price na Php 24,480,000; dalawang (2) piraso ng tubular forms hinihinalang marijuana at stalks na tinatayang tumitimbang ng 2,000 grams na nagkakahalaga ng Php240, 000.00; at dalawang (2) small bottles (60 ml) na naglalaman ng 120 ml suspected Marijuana oil na tinatayang nagkakahalaga ng Php 6,000.00.
Ikinustodiya na ang suspek sa Lubuagan MPS para sa kaukulang dokumentasyon at tamang disposisyon.