Manila, Philippines – Pinababawi ng Sandiganbayan ang nasa 146 na mamahaling paintings ng pamilya Marcos.
Ito ay matapos ideklara ng korte na ‘ill gotten wealth.’
Ayon sa Sandiganbayan, hindi sapat ang sahod nina dating Pangulong Ferdinand Marcos at dating unang ginang Imelda Marcos bilang public officials para makabili ng nasa higit $24 million o katumbas ng ₱1.2 billion.
Kaya maituturing na ilegal ang pagbili sa mga naturang painting na pinababawi ng Presidential Commission on Good Government (PCGG).
Ito na ang ika-anim na kasong nadesisyunan ng Sandiganbayan kaugnay sa ‘ill gotten wealth’ ng mga Marcos ngayong taon.
Facebook Comments