Muling nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng panibagong healthcare workers na nagpositibo sa COVID-19 sa Pilipinas.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergiere, umakyat na sa 2,420 ang bilang ng health workers na tinamaan ng virus hanggang nitong May 25, 2020.
Sa nasabing bilang, 1,226 ang aktibong kaso kung saan 288 ang asymptomatic, 936 ang mild at dalawa ang may severe condition.
1,163 naman ang mga naka-recover na health worker sa nakakahawang sakit habang 304 naman ay mga non-medical staff.
Nananatili naman sa 31 ang mga pumanaw na medical worker bunsod ng COVID-19.
Facebook Comments