Higit 24,000 COVID-19 recoveries, naitala ng DOH ngayong araw

Karagdagang 20,755 na bagong kaso ng COVID-19 ang naitala ng Department of Health (DOH) ngayong araw.

 

Dahil dito, aabot na sa 2,490,858 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa bansa.

 

Pero sa nasabing bilang, 161,447 na lamang ang nananatiling aktibo.


 

Tumaas naman sa 2,292,006 ang bilang ng gumaling mula sa nakahahawang sakit matapos na madagdagan ng 24,391 ngayong araw.

 

At sa ikatlong sunod na araw, walang naitalang nasawi ang DOH pero dahil ito sa nararanasang technical issues sa sistema ng DOH.

 

Samantala, nakasaad din sa datos ng ahensya na 75% ng intensive care unit beds sa bansa ang nagamit gayundin ang 54% ng mechanical ventilators.

 

Sa Metro Manila, okupado pa rin ang 76% ng ICU beds habang ginagamit na ang 57% ng ventilators.

Facebook Comments