Umabot na sa higit 24,000 na indibiduwal na naturukan ng COVID-19 vaccine ang nakaranas ng adverse events.
Ayon kay Department of Health (DOH) Undersecretary Maria Rosario Vergeire, aabot sa 24,823 ang naitala nilang suspected na kaso ng Adverse Events Following Immunization (AEFI).
Ang mga nakaranas ng non-serious adverse reactions ay nasa 7,000 gamit ang Sinovac vaccines habang 164 ang nakaranas ng severe adverse events.
Para sa AstraZeneca, nasa 17,503 ang nakaranas ng minor adverse reaction habang 206 ang nagkaroon ng serious adverse effect.
Patuloy na inaalam ng mga eksperto kung mayroong direct causality o direktang may kinalaman sa bakuna ang naranasang adverse effects.
Facebook Comments