Nananatili sa evacuation centers ang nasa 253 pamilya o 1,039 individuals matapos maapektuhan ng 6.6 magnitude na lindol sa Cataingan, Masbate.
Ayon sa Office of Civil Defense Region 5 (OCD-5), nasa 803 families o 3,350 na indibidwal na nakatira sa 40 barangay ang apektado ng malakas na lindol.
Nasa 626 ang nasirang bahay sa Masbate.
Pitong pampublikong istruktura sa Cataingan, dalawa sa Pilar, Sorsogon ang napinsala ng lindol, at isang pribadong gusali ang apektado sa Bulan, Sorsogon.
Aabot sa 75 eskwelahan ang napinsala kung saan 98 silid-aralan ang kailangang palitan habang 171 ang nangangailangan ng major repairs.
Nasa ₱3 million na halaga ng ayuda ang naipamahagi na sa mga apektadong lugar sa Masbate.
Facebook Comments