Higit 250,000 imprastraktura, napinsala ng Bagyong Tisoy

Umabot na sa 250,000 imprastraktura ang nasira ng Bagyong Tisoy.

Sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), nasa 254,765 na istraktura ang napinsala sa Ilocos Region, Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa, Bicol Region, Eastern Visayas, Cordillera, at Caraga.

Halos 55,874 na bahay at isang Health Facility ang lubos na napinsala, habang 710 na paaralan at 20 Health Facilities ay partially damages.


Nasa 196 na lugar pa rin ang nakakaranas ng pagbaha.

Aabot sa higit dalawamg Bilyong Piso ang pinsala sa Palayan, Palaisdaan, Livestock, at Agricultural Infrastructure sa Region 3, Calabarzon, Mimaropa, Bicol, at Western Visayas.

Sa ngayon, aabot sa 12 ang patay habang 54 ang sugatan, higit isang Milyong katao ang naapektuhan.

Facebook Comments