Umaabot sa kabuuang 26.7 milyong mga Pilipino ang due na para sa kanilang booster shot.
Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni National Vaccination Operations Center Chairperson at Health Usec. Myrna Cabotaje na sampung milyon pa lamang ng mga Pilipino ang natuturukan ng booster dose sa bansa.
Ani Cabotaje, nasa 36.7 milyong mga Pilipino ang due na dapat para sa booster dose kung saan 1/3 pa lamang ang nabibigyan ng booster at may natitira pang 26.7 milyon.
Karaniwang dahilan kung bakit mababa pa rin ang bilang ng mga nagpapa-booster shot ay dahil nag-iisip pa kung kailangan pa ba nilang magpa-booster.
Habang ang iba naman ay hindi alintana ang urgency ng pagpapa-booster shot.
Dahil dito, sinabi ni Cabotaje na ang pamahalaan na mismo ang lalapit sa mga lugar na paggawa at iba pa upang maturukan ng booster shot ang ating mga kababayan.