HIGIT 26,000 INDIBIDWAL SA REHIYON DOS, NAAPEKTUHAN NI BAGYONG JULIAN

Cauayan City – Umabot sa 8,616 pamilya o 26,324 katao mula sa lalawigan ng Batanes at Cagayan ang naapektuhan ng Bagyong Julian.

Ayon sa pinakahuling ulat ng Department of Social Welfare and Development Field Office 2 (DSWD FO2), 7,082 pamilya o 21,104 indibidwal na apektado ay mula sa Batanes, habang 1,534 pamilya o 5,220 katao naman ang naapektuhan sa Cagayan.

Bukod dito, 35 kabahayan ay tuluyang nawasak, habang 132 naman ang bahagyang nasira.


Samantala, nakapagpamahagi na ang DSWD ng 2,956 family food packs (FFPs) at apat na sleeping kits na may kabuuang halaga na Php 2,093,647.21.

Patuloy din ang ginagawang monitoring at pakikipag-ugnayan ng ahensya sa mga lokal na pamahalaan upang matiyak na agad na maipapadala ang kinakailangang tulong sa mga residente na labis na naapektuhan ng bagyo.

Facebook Comments