Higit 27-M estudyante, nakapag-enroll na

Nakapag-enroll na ang mahigit 27 milyong estudyante para sa School Year 2022-2023.

Hanggang noong Biyernes, August 19, kabuuang 27,158,578 mag-aaral na ang nakapagparehistro kung saan 23,029,151 dito ang naka-enroll sa formal education habang 4,129,427 naman mula sa early registration.

Pinakamaraming enrollees ay naitala sa Calabarzon na aabot sa 3,709,599 sinundan ng Central Luzon, 2,810,330 at ang National Capital Region na mayroong 2,406,014.


Bukas, August 22, pormal na sisimulan ang klase kung saan 46% o 24,765 na mga private at public school sa buong bansa ang magpapatupad ng full face-to-face classes habang 51.8% o 29,721 ang magpapatupad ng blended learning.

Nasa 1,004 na mga paaralan naman sa buong bansa ang magpapatupad ng full-distance learning.

Pero simula sa November 2, lahat ng paaralan ay kinakailangan nang magpatupad ng limang araw na in-person classes.

Facebook Comments