Higit 27,000 outbound passengers, naitala ng PCG sa bisperas ng Pasko

Nakapagtala ang Philippine Coast Guard (PCG) ng 27,613 outbound passengers sa lahat ng pantalan sa bansa ngayong Pasko.

Habang 27,344 naman ang mga inbound passengers o mga biyaherong papasok ng Metro Manila.

Para naman tiyakin ang kaligtasan ng mga biyahero, aabot sa 1,652 personnel ang idineploy sa 15 PCG Districts para mag-inspect sa 252 vessels at 95 motorbancas na bumiyahe ngayong Pasko.


Matatandaang Disyembre 16 nang ilagay na ng PCG sa heightened alert ang kanilang districts, stations, at sub-stations at tatagal ito hanggang Enero 5 ng susunod na taon.

Anila, ito ay bilang tugon sa inaasahang bugso ng pasahero sa mga pantalan.

Facebook Comments