HIGIT 2,900 PAMILYANG NASALANTA NG BAGYONG UWAN SA SAN FABIAN, TUMANGGAP NG TULONG PINANSYAL

Nakatanggap ng Presidential Assistance ang mga pamilyang nawalan at nasira ang tahanan dahil sa hagupit ng Bagyong Uwan noong 2025.

Bilang isa sa mga bayan na lubos nasalanta ng bagyo, nakapagtala ang lokal na pamahalaan ng 2,076 bahay na bahagyang nasira habang 846 bahay na tuluyang nawasak.

Kasabay ng distribusyon, napakinabangan din ng mga benepisyaryo at residente ang libreng konsultasyon at serbisyo medikal kabilang ang enrollment sa ilalim ng YAKAP ng Philhealth.

Kaugnay nito, patuloy ang pagsisikap na maabutan ng tulungan ang mga nasalanta habang patuloy ang rehabilitasyon mula sa mga nagdaang bagyo. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments