Higit 2k katao nabawas sa bilang ng mahihirap sa Pangasinan

Nabawasan ang bilang ng mahihirap sa Pangasinan ayon sa Department of Social Welfare and Development.
Ayon kay Darwin Chan, Information Officer ng DSWD Region 1 nasa 2, 931 ang bilang ng nabawas na mahihirap sa Probinsiya dahil umano sa ayuda na ibinibigay ng gobyerno. Bagamat wala na ang mga ito sa listahan ng mahihirap binibigyan pa rin ng ahensya ng assistance ang mga ito upang mapanatiling may sapat na mapagkakakitaan.
Sa tala ng ahensya nasa 113, 857 ang nasa listahan ng poor household sa Pangasinan na ngayon ay isinasailalim sa re-assesment upang malaman kung anong tulong ang nararapat para sa mga ito.
Samantala, nangunguna naman ang San Carlos City sa maraming bilang ng mahihirap sa Pangasinan.
###

Facebook Comments