HIGIT 2K NA ELEMENTARY AT SECONDARY EDUCATION MULA REGION 1, NAKATAKDANG SUMAILALIM SA LEPT EXAMINATION NGAYONG ARAW

Aabot sa 579 na examinees ang nakatakdang sumailalim sa pagsusulit sa Elementary Education habang 1, 436 naman para sa Secondary Education ngayong araw ng ika-26 ng Setyembre.

Sinabi ni Atty. Arl Rutu Sabelo na iba’t iba ang lugar ng eksaminasyon dahil nasa gitna parin ng pandemya.

Ang examination area para sa LEPT sa Elementary ay gaganapin sa Rosales National High School habang ang Secondary Education naman ay gaganapin sa iba’t ibang venue at paaralan depende sa specialization dahil na rin sa dami ng kukuha nito at batay sa pagsunod sa health protocols.


Anim namang mga eskwelahan pa ang gagamitin sa bayan ng Rosales para sa pagsusulit na ito tulad ng Rosales National High School, Carmay Elementary School, Carmen Elementary School, Rosales North at South Central School, Tomana Elementary School at ang Robert B. Estrella Memorial National High School.

Ang lahat din umano ng mga kukuha ng pagsusulit ay dumaan pa sa 14-day mandatory quarantine na papatunayan gamit ang medical certificate at ang iba naman ay dumaan pa sa swab testing.

Facebook Comments