HIGIT 2K NA MGA MAGSASAKA SA BAYAN NG SAN NICOLAS, NAKATAKDANG MAPAMAHAGIAN NG AYUDA MULA SA DA

Nakatakdang ipamahagi ng Department of Agriculture ang tulong pinansyal ngayong araw ng ika-29 ng Oktubre para sa mga magsasaka katuwang ang lokal na pamahalaan ng San Nicolas.
Matatanggap ng kabuuang 2, 300 na mga nakalistang magsasaka ang ayudang Rice Farmers Financial Assistance (RFFA)at nagkakahalaga ng limang libong piso (PhP5,000.00) ngunit ang mga kwalipikado sa naturang programa ay mga lehitimong magsasaka na naka enrol sa Registry System for Basic Sector in Agriculture (RSBSA) na may sinasakang dalawang ektarya pababa.
Layunin ng tulong na ito upang mabigyan ng pandagdag na kabuhayan ang mga ito na magagamit din nila sa kanilang mga pananim.

Pupunta ang mga empleyado ng Landbank of the Philippines (LBP) sa bayan upang sila ang mangasiwa at magre-release ng financial assistance sa pamamagitan ng Cash Card.
Mag-uumpisang ipamahagi ang tulong na ito sa oras na alas 8 ng umaga hanggang alas 2 ng hapon.
Paalala naman sa mga magsasaka na huwag kalimutang magdalawa ng isang valid government ID na may signature. Huwag ding kalimutang magsuot ng face mask at magdala ng alcohol, tubig at ballpen. | ifmnews 
Facebook Comments