HIGIT 2K SCHOLARS SA DAGUPAN CITY, TUMANGGAP NG KANILANG GRANT

Tumanggap ang scholarship grant ang nasa higit dalawang libong estudyante ng lungsod ng Dagupan bilang unang batch ng mga scholar para sa taong 2025-2026.

Kasama ang mga ito sa anim na libong kabuuang bilang ng mga scholar na sinusuporatahan ng lungsod para makapagpatuloy sa kanilang pag-aaral.

Nadagdagan ito mula sa dating bilang na nasa limang libong scholar. Sa pagkakadagdag ng mga scholars ay makatutulong ito na tumaas din ang mga estudyanteng may tsansang makapag-aral sa kolehiyo.

Bukod sa suporta sa edukasyon ay nakatanggap din ang mga scholar na may latin honors ng kanilang insentibo na nasa 5,000 pesos hanggang 10,000 pesos na siyang nakasaad sa ilalim ng ordinansa ng scholarship program. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments