Umabot sa maigit 2,000 titulo ng lupa ang naipamahagi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa agrarian reform beneficiaries sa Bicol region.
Sa seremonya sa Pili, Camarines Sur ngayong araw, itinurnover ng pangulo ang 2,115 certificates of land ownership award na sumasaklaw sa 3,328 ektarya ng lupa.
Tinanggap ito ng 1,965 benepisyaryo mula Sorsogon, Catanduanes, Masbate, Albay, Camarines Norte, at Camarines Sur.
Samantala, binigyan din ng tulong pinansyal ang mga magsasaka at mangingisdang apektado ng El Niño, kasama ng hybrid rice seeds, fertilizer vouchers at mga makinarya.
Bukod pa rito ang monetary support sa mga lalawigan at payout sa ilalim ng tupad program ng Department of Labor and Employment (DOLE) at TUPAD Program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).