HIGIT 2K TODA MEMBERS SA LUNGSOD NG DAGUPAN, NAPAGKALOOBAN NG DOLE TUPAD PROGRAM

Tricycle Drivers naman ngayon ang naging benepisyaryo ng Department of Labor and Employment o DOLE TUPAD Program sa lungsod ng Dagupan.
Nasa higit dalawang libong mga tricycle drivers ang naging kabuuang bilang ng mga napamahagian ng financial assistance at nakatanggap ang mga ito ng nagkakahalagang tatlong libo at pitong daang piso bawat isa.
Sa pamamagitan nito ay nagkakaroon ng pagkakataong makilahok ang mga Dagupeño na makiisa sa mga Community projects ng lungsod tulad ng pagtulong pagsasaayos ng Public facilities, clean up drives sa mga kailugan, at ilan pang mga aktibidad na nagaganap sa bara-barangay.

Samantala, nasa humigit kumulang apat na libo na ang kabuuan ng TUPAD Program Beneficiaries na naglalayong iprayoridad ang taong underemployed at seasonal workers.
Pati na rin ang mga solo parents at persons with disabilities ng nasabing lalawigan. |ifmnews 
Facebook Comments