Higit 2M doses na parating na Pfizer vaccines, laan lang sa A1 hanggang A3 priority groups

Inaasahang sa June 11 ay darating sa bansa ang nasa 2.2M doses ng Pfizer vaccines.

Sa presscon sa Malakanyang, sinabi ni National Task Force Chief Implementer & Vaccine Czar Sec. Carlito Galvez na ang mga ito ay laan pa rin sa A1 o medical healthworkers, A2 priority group o senior citizens at A3 o yung may mga comorbidities.

Paliwanag ni Galvez, ang 2.2M doses na parating na Pfizer vaccines ay mula sa COVAX Facility kung kaya’t mahigpit na ipatutulad ang prioritization list.


Sa nabanggit na bilang, hindi pa kasama sa mga mababakunahan ang mga indigent population o mga mahihirap dahil na rin sa limitadong suplay.

Sinabi pa ni Galvez na didiretso agad ang ilang mga bakuna sa Cebu at Davao at hindi na dadaan pa ang shipment dito sa Metro Manila.

Facebook Comments