Nasa higit dalawang milyon o kabuuang bilang na 2, 018, 699 na mga National IDs o PhilSys ID ang naibigay o nadeliver na ng PHLPost sa buong Rehiyon Uno as of April 30, 2023.
Tiniyak ng tanggapan ng Philippine Statistics Authority na magpapatuloy ang pag-issue ng mga cards, Physical man o ang Digital ID.
Habang on process pa lang ang National IDs, hinihikayat ang lahat na kumuha muna ng ePhilID o ang printable ID bilang pansamantalang valid ID dahil may pareho rin itong features ng PhilSys ID at magagamit din sa anumang uri ng transaksyon.
Para sa mga may gustong makuha ang ePhilID, maaaring magtungo sa link na appt.philsys.gov.ph. para macheck kung handa na at iimprenta ito. Makakatanggap naman ng official text message mula sa PSA, at kailangan lamang sundan ang instructions para ma-download ang nasabing digital ID.
Samantala, Hindi dapat ituring na Temporary ID ang Digital Card dahil permanente na ito at magagamit pansamantala habang hindi pa napasakamay ang Physical ID.

Facebook Comments